Ilang araw na ang nakalipas pero ramdam na ramdam ko pa rin ang “hangover.” Ang sarap balik-balikan ng mga masasayang karanasan sa pakikipamuhay namin kasama ang mga Dumagat sa Sitio Kinabuan, Brgy. Sta. Ines, Tanay, Rizal.

Para sa akin na laking-Maynila, kasabik-sabik ang pakikipamumuhay sa isang payak na pook na malayo sa abalang syudad. Adventure na maituturing ng iba, ngunit tiyak na mas higit pa roon ang aming nagawa.

Hayaan n’yong ibahagi ko ang ilang pangyayari sa aming paglalakbay.

Nagsimula ang lahat sa pagsakay sa topload ng isang jeep. Topload ang tawag sapagkat kami ay nakasakay sa taas ng jeep kung saan kasing lawak ng bubong ang upuan. Kahit saan kami umupo, ayos lang, kahit pa nakalambitin ang mga paa namin sa bintana sa tapat ng taong nakaupo sa baba. Magkahalong saya at kaba ang dala nito sa buong tatlong oras na byahe pero ang tunay na kinasiyahan namin ay ang tanawin at ang sariwang hanging bihira sa Maynila.

Matapos ang byahe, kami naman ay tumuloy sa paglalakad paakyat ng bundok. Mga dalawang oras na paglalakad sa lupa, bato, putik at pagtawid sa mga ilog. Kasabay sa paglalakbay namin ay ang mga huni ng ibong nangungumusta sa amin. Ang mga kubong tahanan ay aming natanaw, nagpapaalala sa amin ng simpleng pamumuhay ng mga taga-roon.

Nang marating namin ang Sito Kinabuan, kami ay tumuloy sa isang bahay na yari sa kahoy. Walang koryente ngunit kakayanin sa tulong ng mga kandila at flashlight. Pagdating sa pagluluto, nagbalik din kami sa lumang panahon kung saan gumagamit ng mga kahoy na panggatong sa apoy. Itong bahay ay nagsilbing libreng tuluyan para sa aming saktong pangangailangan. Naka-libre pa kami ng aircon sa gabing napakalamig.

Sa pagsapit ng sumunod na araw, kami naman ay naghanda para sa kinaaabangang pagtatanim. Isa ito sa mga pangunahing dahilan ng aming pagpunta – upang mabigyang tulong sila sa kanilang pangangailangan pang-agrikultura. Namahagi kami ng mga butong pananim (sitaw, mustasa, pechay, talong) at ilan ding gamit tulad ng haras at panghasa.

“Magtanim ay ‘di biro,” sabi nga sa isang awiting bayan. Kakaibang karanasan para sa amin ang pagtatanim sapagkat dito nasaksihan namin kung paano at saan nagsisimula ang ilan sa mga pagkain natin. Walang arte-arte, buong-pwesa at tulo-pawis kaming nagtabas ng mga damo, nagbungkal ng lupa, nagpunla ng mga buto. Maliban sa aming misyong matulungan sila, kami ay lubos na nagalak sa mismong karanasang iyon na nagbigay sa amin ng mas malalim na pagpapahalaga sa pagkain, sa mga pananim, at sa mga magsasaka.

Isa pa sa mga walang kapantay na karanasan ay ang aming pakikipaglaro sa mga bata. Masisigla silang nagsipaglahok sa mga palaro namin tulad ng Catch the Dragon’s Tail, Samson Delilah Lion, at May Isang Kalabaw. Simple lamang ang mga laro, hindi nangangailangan ng kompyuter o kahit anong gadyet, ngunit tunay na kaligayahan ang naramdaman ng lahat.

Matapos ang pagtatanim, kami naman ay pinaunlakan ng mga nakatatanda sa sitio para sa isang makabuluhang kwentuhan. Ibinahagi nila sa amin ang kwento ng kanilang pamumuhay, ang mga suliraning kinakaharap nila, pati na rin ang ilan sa mga awitin at sayaw.

Matapos ang isang mahabang araw, ang pagligo sa talon ay ang aming gantimpala. Ang parang yelo sa lamig na tubig, ang pagbagsak ng tubig sa gitna, at ang kabigha-bighaning mga bato sa gilid ay nagpatunay pa lalo sa kagandahan ng kalikasan.

Ang mayaman naming karanasan sa Sitio Kinabuan ay nagpapamalas na ang buhay ay simple lamang, na hindi nito kinakailangan ng mga magagarbong bahay at kagamitan… dahil ang higit na nagbibigay kabuluhan sa buhay ay ang mga bagay na walang kasinghalaga. Ang tunay na yaman sa buhay ay ang mga taong minamahal natin kasama ng mga ngiti, yakap, halik, pagmamahal at mga masasayang alaala nila. Malayo man sa inaakalang “kayamanan” ng iba, ang pamumuhay sa Sitio Kinabuan ay masasabing kong tunay na mayaman.

Bukod pa sa pagpapahalaga sa kayamanang ito, lubos kong pinaniniwalaan na ang pagtulong sa kapwa, sa malaki o kahit anong liit mang paraan, ay nakapagbibigay sa sarili ng hindi mailalarawang kaligayahan. 🙂

View our pictures here

Click here for the English version

A few days have already passed but I can still feel the “hangover.” It is so good to reminisce the happy experiences we had living with the Dumagat in Sitio Kinabuan, Brgy. Sta. Ines, Tanay, Rizal.

For me who grew up in Manila, it is exciting to live in a simple place away from the busy city. Others may call it an adventure but surely we did a lot more than that.

Let me share with you some of the experiences in our trip.

It all started with riding topload. It is called such because we were on top of the jeepney where the whole roof was our seat. We could sit anywhere we wanted, even with our feet dangling on the sides behind those who were seated inside the jeepney. It was a mixture of happiness and concern riding like that for the whole 3 hours of our trip but the real delight was seeing the stunning view and the fresh air that is rare in Manila.

After the ride, we went on with our journey by trekking up the mountain. It was about 2 hours of walking on land, rocks, and mud, and crossing several rivers. Along our journey were the chirps of the birds greeting us. We also saw nipa huts, reminding us of the simple life of the people there.

When we reached Sitio Kinabuan, we stayed at a simple wooden house. There was no electricity but we got through the night with candles and flashlights. When it came to cooking, we seemed to have went back in time when we used wood for the fire. This simple house served as our home for our basic needs. We even had free air conditioning because it was so cold that night.

On the next day, we prepared ourselves for our much-awaited planting. This is one of the main reasons of our journey – to assist them in their agricultural needs. We distributed seeds (string beans, Chinese cabbage, mustard, and eggplant) and some tools such as grass cutter and sharpener.

“Planting is not easy,” as a line of a folk song goes. Planting was a different experience for us since this was how we witnessed the origin of some food. Without regard to getting dirty, we went and cut grass, tilled the land, and planted seeds with our full force and with sweat dripping from our bodies. Aside from our mission to assist them, we were so glad to have experienced it and it has given us a better appreciation of food, plants, and our farmers.

One other unparalleled experience was our playtime with the kids. They eagerly joined the games like Catch the Dragon’s Tail, Samson Delilah Lion, and singing May Isang Kalabaw (There’s a Carabao). The games were simple with no need for a computer or any gadgets but everyone felt genuine happiness.

After the planting, the village elders sat down with us for a meaningful chat. They shared some stories of their everyday life, the problems they are facing, as well as some of the songs and dances of their tribe.

After a long and tiring day, our reward was to swim in the waterfalls. The ice-cold water, the cascade of the waterfalls, and the marvelous rock formation at the sides showed us the beauty of nature.

Our rich experiences in Sitio Kinabuan revealed to us that life is simple; that it does not require mansions and expensive things because what really give meaning to life are the things that are priceless. The real treasures in life are the people that we love along with the smiles, hugs, kisses, love and the happy memories of them. Even though this is very remote from others’ idea of riches, I can say that living in Sitio Kinabuan is a treasure.

Aside from this valuable treasure, I sincerely believe that helping others, whether in great or small form, gives oneself unexplainable joy. 🙂