Lalangoy ako, saluhin niyo ko diyan. Iligtas niyo ko kungsakaling malunod ako. Game? Tetok basta handa ka lang ah, kung sakaling malunodako ligtas mo ko.” Sabay langoy. Pagdating sa kalagitnaan, katulad ng inaasahan, pag-langoy papunta mismo sa Talon, kinapos ako ng hininga, nag panic,at muntikan akong malunod. Ang naririnig ko na lang ay sigawan, pinipilit naidilat ang mga mata, pagkampay ng mga kamay at pagpadyak upang umangat ako. Tumulong si Obey, ang kasama ko at pinagkakatiwalaan ko din na marunong lumangoy, kinuha niya ako ng bahagya ngunit kulang pa din para makarating sa paroroonan. Habang nag-aagaw buhay, nagreflect ako sa buhay ko (echos lang). Habang nag-aagaw buhay, nakita ko si Tetok palangoy papunta kung saan ako nalulunod. Si Tetok ayisang kabataang dumagat na pinilit kong sumama sa amin papunta sa KinabuanFalls para maging guide ng aming grupo (Small Hands Phil). Lumangoy si Tetok, inangat ako, di ko sinasadya dahil na rin siguro sa reaction ko, nabigyan ko siya ng konting kabigatan, at noong mga panahon na yun, dalawa na kaming nalulunod. Pero malakas si Tetok at sa tulong na din ni Obey nadala ako papunta sa kabilang bahagya, at si Tetok ay lumangoy pa kabilang banda naman. Whew. Second life ko yun ah. Salamat kay Obey at Tetok at nabuhay ako. Alam ko nag-aalala ang mga kasama ko lalo na ang iniirog ko pero ligtas naman ako kaya okay na. Okay na ata.

Joselito

Joselito

Hinding hindi ko makakalimutan ang karanasan na yun. Hindi lang dahil muntikan na akong mamatay ngunit nakita ko kung gaano kabayani si Tetok. Isang katutubong dumagat na ano naman ang paki-alam niya sakin? Di naman kamimagkamag anak, at lalong never ko pa siyang nakasama sa inuman, galaan o sa pangchi-chix. Pero ayun si Tetok, sinugal ang buhay, maligtas lamang ako.

Ang karanasan ko na yun ang nakapagpamulat sa akin na ang pagpapahalaga sa isang tao ay hindi lamang nadadala sa pagiging kamag-anak okaibigan. Dahil para sa mga katutubong dumagat ang pamilya nila ay tayong lahat. Ang lupang inaapakan ko ay lupa din nila. Ang kabundukan na kanilang inaalagaan aypara sa ating mga nasa kapatagan. Ang tinatanim nilang kamote ay minsan nakinakaen natin sa tabi tabi. Ang lahat ng bagay ay magka-ugnay sa kandungang lupa tayo’y magka-akbay ika nga ni Joey Ayala.

Kinabuan Falls

Kinabuan Falls

At dahil magkakaugnay ang lahat at ang lahat ay dapat na nagtutulungan patuloy ang hamon sa atin na nasa kapatagan, tinuturing ba natin na kapatid ang mga nasa paligid natin? O masaya na tayo na mabuhay na lamang para sa sarili natin? O dahil hindi naman natin kamag-anak o kaibigan eh wala na tayong paki-alam?

Isang magandang definition ang binigay sa atin ni Virgilio Enriquez, ang ama ng Filipino Psychology pagdating sa pakikipagkapwa. “This idea of “shared self” opens up theheart-doors of the I to include Other. Here, it is not important if you are poor or rich, or status in society. People are people just people in spite of their age, clothes, diplomas, color or affiliation. Kapwa is the unity of theone-of-us and the other.”

Sa karanasan kong yun naranasan ko ang pakikipagkapwa ni Tetok. Pasalamat ako sa Diyos dahil mayroong kagaya niya. Pasalamat ako dahil may mga katutubong Dumagat na patuloy na nag-aalaga ng kagubatan, mga katutubo na patuloy nanagpapa-alala sa atin na tayo ay magkakapatid, at mga katutubo na patuloy na nagbibigay buhay sa atin.